Kiray Celis: Yes, I have a boyfriend now and first BF ko siya!

KIRAY CELIS

Hindi alam ng marami pero one year na palang may boyfriend itong si Kiray Celis.

“I have a boyfriend now. First boyfriend ko siya,” she declared sa presscon ng “Class Of 2018.”

“We met through a mutual friend. Matagal na kaming magkakilala tapos biglaan na lang na na-realize ko na okay naman pala siya. He’s a businessman. Magkasing-age kami kaso maaga siyang naimulat sa business. Kasama ko siya sa resto business sa Mendiola,” dagdag pa niya.

So what happened to her romance with model Kirst Viray? “Katrabaho ko lang siya,” dali-daling sagot ni Kiray. “Noong panahon na ‘yun hindi naman kami nag-oo and hindi naman kami nag-hindi. We’re working together. Pero walang something, walang assume, walang asa, walang meron,” she explained.

When we asked her kung bakit may pictures sila ni Kirst sa beach, Kiray explained na this is because “Ini-invite po siya ni Mama noon kasi close siya sa family ko. Mabait kasi ‘yun, probinsyano kasi.”

May attempt ba si Kirst na ligawan siya? “Pumupunta siya sa bahay secretly. Ang dami kasing nagsasabing ginamit (niya ako). Pero siyempre ako ang nakakaalam noon which is mas gusto niyang nag-e-effort na ako lang ang nakakakita pati ‘yung family ko kaya alam kong genuine siyang tao.”

Does she feel na nagamit siya ni Kirst? “Never, never. Kasi sino ba naman ang taong magpapagamit.

Mukha naman akong kaawa-awa kung pumayag ako na kaya lang maipakita sa tao na nagkaroon ako ng boyfriend ay ipapakita ko siya na ganito ka-hot, ganito katangkad, may abs.”

Anyway, kontrabida si Kiray sa “Class Of 2018” at abangan na lang natin ang mga kamalditahang kanyang pinaggagawa sa movie.

Read more...