Korina pumasok sa gay bar, nakipag-showdown kay Mader Sitang

KORINA SANCHEZ AT MADER SITANG

Game na game si Korina Sanchez sa kanyang interview kay Mader Sitang, an internet sensation from of Thailand.

Sa isang interview na kuha sa Club 690 na ewan kung alam ni Korina na isang gay bar, ay kitang-kita ang pagkagiliw ni Korina kay Mader Sitang whom she asked para gawin ang kanyang signature dance.

For a while ay napasayaw din si Korina at sinabayan ang head-banging dance style ng kanyang bisita.

Marami ang natuwa sa gesture na iyon ni Korina which she posted sa kanyang Instagram account.

“Hahaha! Galing naman! Walang arte artehan si @korina maganda po sana mam K kung tinanggal mo po yung tali ng buhok mo.”

“I really idolized Mother Sitang, she has a heart of gold. She’s so pure. May God bless you!”

“I love your look! You should dress more like that and less of the off shoulder thingy. Always a fan here.”

But hey, there’s one interview ni Korina kay Mader Sitang na ikinaloka ng maraming fans.

Sa video kasi, Korina made Mader Sitang dance and she motioned na kukunan niya ito ng video. Kaya lang, tila hindi gamay ni Korina ang kanyang cellphone dahil hindi niya alam kung saan ang pindutan ng camera kaya naman sa video ay kitang-kita na hindi niya nai-record ang famous online personality.

Kalokang kapalpakan!!!

Read more...