Matteo iiwan si Sarah sa Pasko: Pero may gift na ako sa kanya!

CARLO AQUINO AT MATTEO GUIDICELLI

ANG producer na Hills & Dreams at OnQ ang nakaisip na pagsamahin sina Matteo Guidicelli at Carlo Aquino sa iisang show.

Kuwento ni Matteo sa presscon ng concert nila ni Carlo na “MatteoXCarlo”, “Actually it was a dream for them (Hills & Dreams, OnQ) who told me na, ‘We want to put a concert with you and Carlo.’ Then sabi ko, ‘Why? What’s happening?’

“Last, last year kasi I had a show in Music Museum and KIA also was good and so this year I don’t wanna do concert (sana) but when they said it was sir Marvin Querido (musical director), I can’t say no, because every opportunity, I want to work with sir Marvin. Plus first time to work with Carlo, so I said yes,” paliwanag ng binata.

Wala namang kaso kay Matteo na magkaroon ng back-to-back show kahit nakapag-solo concert na siya dahil, “It’s okay whatever and it’s nice to work with Carlo because I’ve never work with him and we have the same handler pa (Cris Navarro), so no problem at all.”

Nauna ang press launch ng “MatteoXCarlo” kaya hindi pa napa-finalize kung sinu-sino ang magiging guests ng dalawa pati na rin ang line-up ng mga kakantahin nila.

“Surprised guests na lang,” sabi ni Matteo.

Posible bang isa si Sarah Geronimo sa mga surprise guests? “Oo nga, eh. Hindi ko alam, hindi ko pa alam talaga,” saad ng binata. Kinlaro rin ng singer-actor na hindi niya kinonsidera ang girlfriend niya na mag-guest dahil baka raw hindi payagan.

Kakantahin ba niya ang awitin ni Sarah na “Kilometro” na kinanta na rin niya noon sa concert? “No, natanong kasi ako kung I’ve done a Sarah G song, sabi ko ‘yeah, I did ‘Kilometro’ before under sir Marvin and his band. As of now we haven’t finalized the songs. Basta we will just enjoy the show, no sexy dance,” pahabol ni Mat.

Payag naman si Matteo kung sakaling maging guest si Angelica Panganiban sa concert nila ni Carlo dahil nga malakas ngayon ang tambalang CarGel, “Oo naman, of course!” sagot ng aktor.

Samantala, sa nakaraang 2018 ABS-CBN Ball ay si Sarah pala ang nagsabi kay Matteo kung puwede siyang sumama.

Bihirang-bihirang makitang magkasama ang magkasintahan sa mga showbiz events kaya maraming nagulat na very open na sila sa kanilang relasyon.

“It’s an opportunity to be with her, she asked me if she can come with me and I said, ‘please come with me and ‘yun, we really had a good time with all the other artists and the bosses,” aniya.

Pero sa tanong kung puwede na silang magsama ni Sarah sa isang project, “We will see, I don’t know,” napangiting saad ng binata.

Anyway, sa Japan magpa-Pasko ang buong pamilya ni Matteo at hindi raw kasama si Sarah, “She’ll stay with her family here.”

Pero hindi naman itinanggi ng aktor na may nabili na siyang regalo para sa girlfriend niya.

Ang “MatteoXCarlo” concert ay mula sa direksyon ni Frank Lloyd Mamaril. Kabilang sa mga sponsor ng show ang BoardWalk, BeauteDerm, Circulan, Chef & Brewer Café, Fernandos Bakery, Gingerbon Lungcaire Plus, Nature Spring, R20 Events Place, Platinum Karaoke at Uratex Foam.

Read more...