San Beda Red Lions nakatuntong sa ika-13 NCAA Finals appearance

NAKATUNTONG sa ika-13 diretsong Finals appearance ang San Beda University Red Lions matapos nitong patalsikin ang University of Perpetual Help Altas, 83-72, sa kanilang NCAA Season 94 men’s basketball Final Four Biyernes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Pinamunuan ni Robert Bolick ang Red Lions sa kinamadang 23 puntos habang si Javee Mocon ay kumana ng double-double sa ginawang 14 puntos at 15 rebound.

Gumawa rin si Donald Tankoua ng double-double sa itinalang 13 puntos at 18 rebound at si AC Soberano ay nagdagdag ng 12 puntos para sa San Beda na makakaharap sa ikalawang sunod na Finals ang Lyceum of the Philippines University Pirates.

Pinangunahan naman nina Rey Peralta at Jelo Razon ang opensa ng Altas sa ginawang tig-16 puntos habang si Prince Eze ay kumamada ng double-double sa itinalang 13 puntos at 13 rebound.

Read more...