Lyceum Pirates umusad sa NCAA Finals

UMUSAD ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa ikalawang sunod na pagtuntong sa Finals matapos tambakan ang Letran College Knights, 109-85, sa kanilang NCAA Season 94 men’s basketball Final Four game Biyernes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Nanguna para sa Pirates si Mike Nzeusseu na nagtala ng 23 puntos at 17 rebound habang si CJ Perez ay nagdagdag ng 19 puntos. Nag-ambag naman sina Jaycee Marcelino at Spencer Pretta ng tig-15 puntos at si MJ Ayaay ay may 11 puntos para sa Lyceum.

Namuno si Larry Muyang para sa Knights sa ginawang 21 puntos at 12 rebound habang si Bong Quinto ay naghatid ng 12 puntos. Kumana sina Chris Fajarito at Jeremiah Taladua ng 11 at 10 puntos para sa Letran.

Read more...