Nakakatuwang pagmasdan ang dating child stars na sina Sharlene San Pedro at Nash Aguas sa presscon ng latest movie offering ng T-Rex Entertainment na “Class Of 2018” na ipalalabas na sa Nov. 7.
Unlike other child stars, parehong tumangkad at very proportion ang bawat parte ng kanilang katawan. Ayon kay Sharlene, kumpleto raw kasi ang tulog niya. Last year pa ang huling teleserye ni Sharlene katambal ang dati ring child star na si Jairus Aquino, ang Langit At Lupa. Nasundan lang daw ang project niya nu’ng gumawa siya ng episode sa Maalaala Mo Kaya last February.
“So, medyo nabakante po ako nang matagal at ‘yung MMK ang first acting project ko po ulit. Grabe. Sobrang nahirapan po ako roon bilang runner. Life story po kasi ‘yung isang runner na si Marijoy at medyo matagal din po ako hindi nakaarte,” lahad ni Sharlene.
She got a nomination mula sa Star Awards for TV for her performance sa “Rubber Shoes” episode ng MMK for Best Single Performance By An Actress. Nagulat daw siya nu’ng malaman niya na isa siya sa mga nominado.
“Oo nga po,” sambit niya. “Nagulat nga po ako, e. Sobrang nakakatuwa kasi ‘yun po ‘yung last acting ko bago namin gawin ang ‘Class Of 2018.’ February pa po ‘yun. Nag-start kami sa ‘Class Of 2018’ nu’ng July or August. So, medyo matagal ‘yung bakante at ‘yun talaga ‘yung first (acting project) ko ulit after one year.”
Matutuwa raw ang fans nila ni Nash sa kanilang baik-tambalan on screen. Ang tagal daw nilang hinintay na magkaroon ulit ng project ang favorite loveteam nilang NashLene.
“Opo, kasi ang tagal din nilang hinintay ‘to, na magsama lang kami sa isang project, ‘yun lang ang hinihingi nila. Pero eto ‘yung gift na namin sa kanila mula sa T-Rex Entertainment kasi binigyan kami ng chance,” lahad ni Sharlene.
Wish ni Sharlene na panoorin ng mentor nila sa Goin’ Bulilit na si Direk Bobot Mortiz ang “Class Of 2018.” Pero mas mainam kung magpapa-block screening pa si Direk Bobot ng movie for all the graduates of Goin’ Bulilit.
Ang “Class Of 2018” ay isang suspense-thriller, pero may drama rin, comedy and action sa direksyon ng award-winning film editor na si Bebs Gohetia at showing na sa Nov. 7.