Magnolia, Alaska puntirya ang quarterfinals advantage

Mga Laro Ngayon
(Ynares Center, Antipolo City)
4:30 p.m. NLEX vs Alaska
7 p.m. Magnolia vs TNT
Team Standings: Magnolia (7-2); Barangay Ginebra (7-2); Alaska (7-2); Phoenix (7-3); Blackwater (6-3); San Miguel Beer (5-4); NLEX (4-5); TNT (4-5); Meralco (4-6); Rain or Shine (2-7); NorthPort (2-8); Columbian (1-9)

MAKUBRA ang puwesto sa top four ng quarterfinals ang hangad ng Magnolia Hotshots at Alaska Aces sa kani-kanilang mga laro sa 2018 PBA Governors’ Cup ngayon sa Ynares Center, Antipolo City.

Asinta ng Aces ng twice-to-beat advantage sa quarterfinals sa pagsagupa sa NLEX Road Warriors na hangad wakasan ang three-game losing skid at mapanatili ang puwesto sa eight-team quarterfinals sa kanilang alas-4:30 ng hapon na bakbakan.

Pilit din tutumbukin ng Hotshots ang bentahe sa quarterfinals sa paghaharap nila ng TNT KaTropa sa alas-7 ng gabi na main game.

Hindi lamang ikawalong panalo ang puntirya ng Alaska kundi ang quarterfinals incentive kontra NLEX na asam na makasungkit ng playoff berth para sa quarterfinals.

Habol din ng Magnolia ang ikawalong panalo na magsisiguro sa kanilang puwesto sa top four habang hangad ng TNT ang ikalimang panalo na magkakaloob dito ng playoff para sa quarterfinals berth.

 

Read more...