Anak ni Kuh nakaranas din ng ‘mental depression’

ISABELLA GONZALEZ AT KUH LEDESMA

GINULAT ng unica hija ni Pop Diva Kuh Ledesma na si Isabella Gonzalez ang mga nasa concert nila ni Christian Bautista sa The Tent ng Solaire Resort & Casino recently.

Tinawag ni Kuh si Isabella from the audience para kantahin ang isa sa hit songs ni Barbra Streisand na “Don’t Rain On My Parade” from the movie “Funny Girl.” And everybody was amazed sa mahusay na performance ni Isabella. “Basta sa kantang ‘yan kasi talbog talaga ako ng anak ko,” pag-amin ni Kuh.

Proud na proud naman siyempre si Kuh sa kanyang daughter. At kinuwento na niya na ‘di biro ang pinagdaan ng kanyang anak dahil sa mental depression. Sobrang naapektuhan daw si Isabella ng paghihiwalay nila ng ex-husband niyang si Louie Gonzalez (President Elpidio Qurino’s grandson).

“But we relied on doctors’ advice, and they gave her a lot of medicines which made her gain weight also.

She didn’t feel very well for many years. But now she’s eating healthy and it is what’s helping her. But most of all, it was also the Biblical counsel that helped a lot,” pahayag pa ni Kuh sa concert.

Pero ang mas lalo pang ikinagulat ng audience sa concert nila ay nu’ng ireto ni Kuh si Isabella kay Christian. Tila nakalimutan niyang engaged na ang singer sa girlfriend nitong si Katrina Ramnani. Mabilis namang umalma si Isabella sa ginawa ng Mommy niya at kumuha ng microphone habang nakaupo sa audience area.

“And excuse me Mom, Katrina’s my friend from school, ha. Loyal friend naman,” pagsingit ni Isabella.
Sulit na sulit naman ang audience sa panonood kina Kuh at Christian sa concert. Hindi nagkamali ang Solaire to have them as the initial performers para sa bagong bukas na The Tent.

Read more...