Du30 sinibak ang lahat ng opisyal ng BOC

IPINAG-UTOS ni Pangulong Duterte ang pagsibak sa lahat ng opisyal ng Bureau of Customs (BOC) matapos namang italaga si Maritime Industry Authority (Marina) Administrator Rey Leonardo Guerrero bilang bagong Customs Commissioner.

“And let me — just to give Jagger also a chance, I am ordering the freezing of all, all section department units of the Bureau of Customs out,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa ika-117 anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PCG).

Ito’y matapos naman niyang ihayag ang paglipat ni BOC Commissioner Isidro Lapeña bilang Director General ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA).

“Out lahat, to the last man, out. The commissioners are out, the department heads, out. The de — the entire — they are as of… You better go there tomorrow sa opisina ko so that we can have the ceremonies right away,” dagdag ni Duterte.

Ipinag-utos din ni Duterte na ilagay sa floating status ang mga sinibak na opisyal ng BOC.

“My orders to you Jagger is ilagay mo ‘yan sila sa opisina sa lahat. They are on floating status whoever. The outer periphery nandiyan will be taken care of by the Coast Guard and maybe you can have — and even — you can utilize military men. The excess diyan sa walang trabaho lalo na ‘yang mga babae,” ayon pa kay Duterte.

Nais din ni Duterte na isuspinde muna ang operasyon ng BOC habang ipinapatupad ang pagpapalit ng liderato.

“You can suspend two or three days for them to learn. Hindi naman mahirap ‘yang pag — ‘yang X-ray, X-ray na ‘yan… So you can have — order the suspension of Sid. Stop lahat ‘yan, then maybe — what — kung anong unit diyan sa military o Navy o selected… Eh madali lang man ‘yang ano. And if you think that there’s really a something a way which they can do it, baklasin mo lahat. And do not mind if there’s a delay of one year in the cargoes,” ayon pa kay Duterte.

Read more...