Lapeña inilipat ni Du30 sa TESDA

INALIS ni Pangulong Duterte si Customs Commissioner Isidro Lapeña sa harap naman ng kontrobersiyal na P6.8 bilyong shabu na nasa loob ng apat na magnetic filters na umano’y nakalusot sa BOC.

“Now for the… General Lapeña will move to TESDA. I will promote you to a Cabinet member position,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa ika-117 anibersaryo ng Philippine Coast Guard (PSG).

Itinalaga ni Duterte si Lapeña bilang bagong Director-General of Technical Education and Skills Development Authority, na nabakante matapos ang pagbibitiw ni dating TESDA chief Guiling Mamondiong, na tatakbo sa pagka-senador.

Samantala, inihayag ni Duterte ang pagtatalaga kay Maritime Industry Authority (Marina) administrator Rey Leonardo Guerrero bilang bagong Customs Commissioner.

“General Jagger Guerrero you are to move to the Bureau of Customs. Saan po kayo? Alam ko ayaw inyong umalis sa MARINA. Walang MARINA diyan na babae puro barko ‘yan at bakal. Is Jagger here? I know that you are reluctant to… I know that you are happy there and you are contented, so I’ve heard, but the demands of public service and the need for honest men requires you presence there,” ayon pa kay Duterte.

Inihayag ni Duterte ang paglipat ni Lapeña matapos naman ang pahayag ng huli na naniniwala na siyang droga nga ang laman ng mga magnetic filters na natagpuang wala nang laman sa Cavite.

Read more...