Kung si House Majority Leader Rolando Andaya, Jr. ang tatanungin ay hindi na kailangan ng batas para magpa-drug test ang mga kandidato dahil maaari namang magboluntaryo.
“While there is no law requiring candidates to undergo drug test, it is best that we, candidates voluntarily submit ourselves to such examination as a gesture of support to the government’s anti-drug campaign,” ani Andaya.
Si Andaya ay nagpa-drug test sa mga tauhan ng Department of Health sa Bicol Sanitarium sa Camarines Sur at isinumite niya ang resulta nito sa Commission on Elections kasabay ng paghahain niya ng certificate of candidacy sa pagkagubernador noong Oktobre 16.
“As a leader of the House of Representatives, I deem it my responsibility to be among the first to show support to PDEA. Submitting myself to a drug test is the least I can do,” ani Andaya.
Sa ilalim ng Konstitusyon ay hindi requirement ang drug testing sa kumakandidato.
“May batas man o wala, obligasyon naming mga kandidato na patunayang hindi kami gumagamit ng droga. This is our way of maintaining integrity in governance. Kung yung mga kabataan, gusto nating ipa-drug test, bakit hindi puwede kaming mga kandidato na nagsisilbi sa bayan?” dagdag pa ni Andaya.