Palasyo ipinagtanggol ang hindi pagkakahirang kay Nora Aunor bilang National Artist Award

NORA AUNOR

IPINAGTANGGOL ng Palasyo ang hindi pagkakasama ng superstar na si Nora Aunor sa bagong listahan ng mga itinanghal na National Artist Award.

Sa isang pahayag, sinabi ni Presidential Spokesperson at Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo na bata pa naman si Aunor at kinikilala naman ng administrasyon ang kanyang talento at naging kontribusyon sa larangan ng pelikula at pagkanta.

“Ms. Nora Aunor is still young and in God’s perfect time we are optimistic that she will be proclaimed as a National Artist. Her non-inclusion does not diminish her iconic stature as the country’s Superstar and her significant contributions to film, theater, television and music industries,” sabi ni Panelo. 

Idinagdag ni Panelo na ang hindi paghirang kay Aunor ay para na rin makaiwas siya sa mga pagbatikos sa harap naman ng naunang isyu na ipinukol sa kanya. 

“Her non-inclusion is to spare Ms. Nora Aunor from the emotional and psychological torment coming from the barrage of mixed reactions the award will bring. As she herself stated in her statement,” dagdag ni Panelo. 

 Matatandaang droga ang inisyu noon kay Aunor kayat hindi inaprubahan ni dating pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.

Read more...