Jhong loyal kay Abby Binay: Kaya mahal na mahal ko siya!

ABBY BINAY AT JHONG HILARIO

Iniwan ni Konsehal Rico J. Puno si Makati City Mayor Abby Binay kaya nagkahiwalay na sila ng landas sa pulitika.

“Si Rico J kasi, he was supposed to run under my ticket as councilor. Ang sinasabi ko palagi, ‘Rico, pagaling ka.’ If I am not mistaken, he was in the hospital emergency ward four times.

“I don’t know how he can still campaign. I’m hopeful that he prioritizes his health more than anything else. Kasi aanhin mo ang posisyon sa public service kung hindi ka makapagtrabaho, di ba? Isa rin sa concerned namin ni Rico J is paano siya magkakampanya?

“Kasi hindi biro ‘yung 45 days na maglalakad ka, kakamay ka. I don’t know if he can handle the stress,” katwiran ni Mayor Abby nang makausap ng ilang members ng entertainment press the other day.

Para sa kanya, ang konsehal niyang dancer-TV host-actor na si Jhong Hilario ang talagang naging loyal sa kanya.

“Hindi ko kayang pasalamatan ‘yung loyalty ni Jhong. ‘Yung loyalty ng pamilya. Siguro siya ‘yung konsehal na magkaroon na ng anak ng mga anak ko, hindi ko makakalimutan ang pagtayo ni Jhong para sa akin! Kaya mahal na mahal ko si Jhong, mahal na mahal ko ang pamilya niya dahil talagang hindi siya bumitaw!” deklara ni Mayor Binay.

Read more...