THREE years na kahapon, Oct. 24, ang Eat Bulaga AlDub special na “Tamang Panahon” na pumuno sa napakalaking Philippine Arena at gumawa ng record sa Twitter world at Guinness.
Senti mode ang AlDub Nation habang inaalala ang engrandeng palabas ng EB kaya naman nagkalat sa social media ang unforgettable moments nina Alden Richards at Maine Mendoza habang magkasama sa stage.
Damang-dama kasi nila ang totoong kilig na dala ng AlDub lovetean, bukod pa sa legacy ng pagpapatayo ng mga AlDub Libraries na mula sa bahagi ng kinita ng show.
Ang challenge ng ADN ay paabutin ng 1 million ang tweets gamit ang hashtag na #ALDUBTP3Years.
Anuman ang sabihin nila, ang ADN ang nag-iisang fandom na never bumitaw kina Alden at Maine at patuloy na sumisira ng record hindi lang sa mainstream media kungdi maging sa social media, huh!
Sa tamang panahon, naniniwala kaming pagsasamahin pa rin sina Alden at Maine dahil sa solidong fandom na nabuo dahil sa tambalan ng Pambansang Bae at Yaya Dub.