Calvin Abueva: Ninong ng anak ko si Vice!

VICE GANDA AT CALVIN ABUEVA

Nagsalita na ang kontrobersyal na basketball player na si Calvin Abueva tungkol sa relasyon diumano nila ng TV host-comedian na si Vice Ganda.

Sa isang panayam, sinabi ni Calvin na matagal na silang magkaibigan ni Vice, nami-misinterpret lang daw ng ibang tao ang closeness at sweetness nila kapag magkasama.

“Close friend lang. Close lang, close. Kasi iba-iba ‘yung lumalabas na kontrobersyal na kung ano, ‘yung mga haka-haka nila, pero actually sa amin sweet friends kami,” pagdedenay ng cager sa interview.

Sa katunayan, isa raw si Vice sa mga ninong ng kanyang anak, “Actually ‘yung anak kong pangalawang bunso, inaanak niya.” Dagdag ni Abueva, una niyang nakilala si Vice noong 2014 sa pamamagitan ng isa nilang common friend, “Kinuha namin siyang ninong noong time na ‘yun.”

Nagsimulang ma-link sa isa’t isa sina Vice at Abueva dahil sa madalas na panonood ng Unkabogable Star ng mga laro ng Phoenix kung saan kasama ang cager. Bukod dito, palagi ring binabati ng komedyante ang PBA player sa It’s Showtime.

Read more...