BAWAL tanungin si 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach tungkol kina Gerald Anderson at Bea Alonzo sa event ng Ginebra San Miguel kamakalawa ng gabi.
Bongga ang ginanap na launching ni Pia bilang Ginebra Calendar Girl 2019 sa EDSA Shangri-La Hotel last Tuesday night kung saan rumampa ang dalaga suot ang kanyang shining, shimmering red velvet gown na may mahabang slit kaya litaw na litaw talaga ang kanyang legs.
Ayon kay Pia, kinarir niya ang pagda-diet, pagpunta sa gym at pagwo-workout bilang paghahanda sa kanyang pictorial for Ginebra 2019 “panorama calendar” na first time gagawin ng GSM. Espesyal ang pagiging calendar girl ng beauty queen-actress next year dahil ito rin ang 185th anniversary ng Ginebra.
Inamin ni Pia na hindi siya masyadong confident sa kanyang katawan nitong mga nakaraang buwan kaya ang request niya sa mga big boss ng nasabing liquor brand, bugyan siya ng sapat na panahon para muling ikundisyon ang kanyang katawan.
“You guys will see that I go to the gym every day. My trainor who’s actually also the one who trained me for Miss Universe, based in Australia. So, sa app lang kami nag-uusap, it’s really about the discipline you know,” ang pahayag ni Pia.
“This is an experience I won’t forget since this is the first time I’ve done a swimsuit photoshoot since competing in the Miss Universe pageant,” chika ni Pia.
Sey pa ni Pia, feeling niya, parang mas maganda pa raw ngayon ang katawan niya kung ikukumpara noong sumali siya sa Miss Universe three years ago.
“Kaya nga I told myself na I wanna make this a thing now na hindi lang dahil nag-prepare ako for a shoot.
But I wanna continue na healthy living na talaga,” aniya pa.
Dito nga niya ibinalita na tuloy na rin ang gagawin niyang reality show sa ABS-CBN pero wala pa siyang idea kung sino ang makakasama niya. Kaya naman natanong ang dalaga kung okay lang sa kanya sakaling makasama niya uli sa trabaho ang leading man niya sa pelikulang “My Perfect You” na si Gerald Anderson.
Ngunit bago pa makasagot si Pia ay hinarang na ito ng taong nakabantay sa tabi niya. Pinagbawalan din si ia na sagutin ang follow-up question tungkol sa girlfriend ni Gerald na si Bea Alonzo. Kung matatandaan, nabalitang muntik nang magkahiwalay sina Bea at Gerald nang dahil daw kay Pia.
Samantala, ayon sa mga executives ng Ginebra San Miguel perfect si Pia sa mantra nilang “Never Say Die”. Alam naman ng lahat na hindi tumigil ang dalaga sa pag-abot sa kanyang pangarap na maging Miss Universe kahit na ilang beses na siyang natalo.
“We are proud to have Ms. Pia as our 2019 Calendar Girl. She is the perfect person to represent our brand, especially that we will be celebrating our 185th anniversary. Pia is the epitome of what the brand stands for,” sabi ni GSMI Marketing manager Ron Molina.
Dagdag naman ni Pia, “I’m even prouder to represent an iconic Filipino brand that’s trusted and recognized all over the world. We both have the never-say-die-spirit, we’re not going to give up until we’ve made all of our dreams come true.”