Aga inupakan dahil kay Trillanes; tama bang sisihin si Vice Ganda?

AGA MUHLACH, ANTONIO TRILLANES  AT VICE GANDA

MAY heading na “Get off your high horse,” isang open letter ang ipinadala ng Pinoy Ako Blog kay Aga Muhlach kaugnay ng kanyang naging sagot sa tanong ni Vice Ganda during his recent guesting on the latter’s Gandang Gabi Vice.

Inalam lang kasi ni VG ang take ni Aga on Sen. Sonny Trillanes and his stand against what he believes is wrong with the way government affairs are run.

More or less ay ito ang tugon ng aktor—whose guesting was apparently to promote his latest movie—tama na raw. Hindi raw ba napapagod ang senador sa kanyang mga ginagawa, samantalang ginagawa naman daw ni Pangulong Rodrigo Duterte ang lahat ng makakaya nito?

Because of his answer, natabunan tuloy ang kaguwapuhan ni Aga, drowned out by his statement na umani ng pagkahaba-habang paliwanag at pangungutya, hence the PAB’s open letter. Sa maraming litrato na nilakipan pa ng mga published news items, ipinamumukha ng PAB kay Aga ang palso nitong tingin sa mga kaganapan sa kanyang paligid.

Kabilang dito’y ang pagiging well-off ni Aga kung kaya’t hindi siya umaaray sa inflation o ng epekto ng TRAIN Law, his seeming apathy towards the families of the EJK victims at kung anu-ano pa.

Not too many shared their thoughts sa comment section right below the open letter. Pero nagkakaisa ang mga netizens that Aga’s guesting was principally promotional, and that he’s just a handsome face. ‘Di raw kataka-taka na talunan siya noong tumakbo siya sa isang bayan sa Kabikulan.

Hindi namin sinisisi si Vice for asking a question which many perhaps believed was way out of line. Ano nga naman kasi ang kaugnayan ni Trillanes sa pelikulang ipino-promote ni Aga, o mismong si Aga sa embattled lawmaker?

Pero kami na ang maghahain ng sagot diyan. Tubong-Bicol si Trillanes kung paanong Aga traces his roots to the region famous for its hot and spicy taro leaves in coconut milk (laing lang, iningles pa!).

At kung babalikan natin ang mga nakaraang episodes ng GGV, even to this day ay hindi lang mga bituin sa showbiz ang winewelkam niya sa kanyang programa. Even political luminaries willing to get their share of “pang-ookray” have been VG’s guests.

Which only means and proves there’s more to Vice Ganda’s comic antics. May talino at wit na nakapaloob du’n. It is a rare combination of wit and humor as it has always been (obvious bang big fan niya kami?).

Sa sagot ni Aga sa tanong ni VG on Trillanes ay respeto na lang ang dapat igawad. Eh, kung ‘yun ba ang tingin ni Aga, pakialam natin? Let’s not impose our beliefs and convictions on him by ramming them down his throat. It’s his basic right anyway.

At least, sa aming personal na pananaw ay higit naming nakilala si Aga Muhlach. He sees an object differently from the world.

Read more...