Sundin ang GF

Sulat mula kay Patrick ng Savana, Bucana, Davao City
Dear Sir Greenfield,
May girlfriend ako pero wala akong trabaho.  Gusto ko nang mag-asawa pero hindi kaya ng bulsa.  Natatakot akong matulad sa mga kaibigan at kapatid ko na pagkatapos mag-asawa at magkaroon ng mga anak, naging hikahos ang kanilang mga buhay.   Hindi mapag-aral ang mga anak at nabaun na rin sila sa utang dahil nga sa lumalaking gastos ng kanilang pamilya.
Naawa ako sa mga pamilyang nagugutom ang mga anak, kaya ayaw ko pang mag-asawa hanggang wala pa akong stable job. Kaya nais ko pong malaman kung kailan ako magkakaroon ng stable job at nang makapag-asawa na. Five years na kasi kami ng girlfriend ko at niyayaya na niya akong magsama kami kasi may trabaho naman siya. Ayaw ko lang pumayag, kasi nga, ayokong makitang naghihirap ang aking pamilya.
Kaya gustung-gusto ko na pong magtrabaho para makapagsama na kami at bumuo ng sariling pamilya. January 1, 1983 ang birthday ko at May 1, 1984 ang girlfriend ko, compatible po ba kami?
Umaasa,
Lito ng Barangay Mahayahay, Iligan City
Solusyon/Analysis:
Palmistry:
May sumabay na Guhit ng Babae sa iyong Fate Line kaya ang nasabing Fate Line ay ganap na luminaw  (Illustration 1-1 arrow 1.). Ibig sabihin sa tulong ng iyong girlfriend o babaing mapapangasawa mas madaling uunlad at yayabong ang iyong career.
Kaya ang pinaka-mabuti mong magagawa, sumunod ka sa mga pinapagawa sa iyo ng girlfriend mo, sa ganong paraan ka uunlad at magiging maligaya.
Cartomancy: 
King of Spades, King of Hearts at Ten of Diamonds ang lumabas (Illustration 1.). Ang mga baraha ang nagsasabing hindi sa pagiging binata ka uunlad, yayaman at magiging maligaya kundi sa pagkakaroon ng asawa at sariling pamilya.
Ibig sabihin, kung naghirap ang mga kapatid at kaibigan mo noong sila’y nag-asawa, hindi ganon o kabaligtaran nila ang mangyayari sa iyo. Sa halip, sa pag-aasawa ka yayaman at uunlad.
Itutuloy….

Read more...