I-text kay Madam Sophia (July 08, 2013)

Mula kay Merly ng Tagum, Davao City.  September 1, 1968 ang birthday ko. Dalaga pa rin ako hanggang ngayon.  Makapag-aasawa pa ba ako at sinu-sino ang mga ka-compatible kong lalaki?
Tugon ni Madam Sophia: Ka-compatible ng birthday mo ang mga lalaking may birth date na 2, 11, 20, 29, 4, 13, 22, 31, 7, 16, 25, 5, 14, 23, 8, 17 at 26, higit lalo silang may zodiac sign na Taurus, Libra, Capricorn at kapwa mo Virgo.
 Sa sandaling natagpuan mo na ang ganyang uri o klase ng lalaki hindi pa huli ang lahat sa taon 2013 hanggang 2014, makapag-aasawa ka na at sa piling ng itatayo niyong pamilya habambuhay ka nang liligaya.
>>>
Mula kay Malou ng Mindanao. December 25, 1987 ang birthday ko. Itatanong ko lang po kung kailan ako makakahanap ng trabaho?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mong December 25, sa taon 2014, magkakaroon ka na ng regular at magandang trabaho sa isang kumpanya na kulay berde at pula ang logo.
>>>
Mula kay Edward ng …4812. April 6, 1987 ang birthday ko. Marine Transportation ang natapos ko kailan ako masasakay ng barko?
Tugon ni Madam Sophia: Ayon sa birthday mo, sa susunod na taon, makakasampa ka na sa barko at magiging isang ganap na seaman sa tulong ng isang lalaking balbon o maraming balahibo o dili kaya’y isang lalaking balbas-sarado.

Read more...