Kaya nauunawaan namin kung bakit kahit ang mas kilalang si Jake Cuenca ay umaaming hindi siya magsasawang i-promote ang sarili lalo na sa social media.
“This is a very good venue to promote myself,” sagot nito sa mga netizen na nagtatanong kung bakit sa estado niya ngayon ay kailangan pa nitong magpa-picture nang hubo’t hubad?
Bilang pinaka-senior sa hanay ng mga barakong nagbibida sa seryeng Los Bastardos, inamin ni Jake na mataas ang expectation sa kanya ng mga junior stars at dahil dito, “I’m quite pressured.”
Nakilala si Jake na very passionate sa kanyang craft at willing siyang gawin kahit ano, para lang pag-usapan at ma-improve ang trabaho.
Umamin din itong bentahe ng soap nila ang pagrampa ng mga barako na matitikas at nasa viewers na raw kung titingnan sila bilang mga sex object. Ha-hahaha!