ANG saya-saya ng Sunday episode namin sa “Chismax” ng DZMM Teleradyo dahil kay Kiray Celis.
Ipinangangalandakan kasi ng dating child star na nakapagbida na rin sa ilang movies na never siyang naging ilusyunada sa kagandahan niya dahil aniya, “Alam kong swerte ako at may talent.”
Sa upcoming movie nilang “Class of 2018,” isang thriller film na bida rin sina Nash Aguas at Sharlene San Pedro, itsinika ni Kiray na marami siyang napaluhod na lalaki at ipinagmamalaki niyang sa kanyang height at built, “Sila ang nabighani sa akin.”
“Pero mas masaya kami off cam. Mas literal akong niluluhuran ng mga lalaki,” sabay tawa nito na agad namang sinang-ayunan ng co-star niyang si Johnvic de Guzman, isang sikat na volleyball player na mas gustong sumikat bilang aktor.
“Maharot po talaga kami sa set. Para lang kaming naglalaro at never akong magrereklamo ng harassment dahil feel na feel nila ang beauty ko,” sabi pa ni Kiray sa mga eksenang ginawa niya sa “Class of 2018” na showing na sa Nov. 7.
At dahil sa mga sagot ni Kiray, marami ang nag-text sa amin at sinabing like na like nila ang kakikayan ng batang komedyana. Na sinagot naman ni Kiray ng, “Hay, sana iyang mga like-like at gustong-gusto kita idol na text na iyan ay manood ng movie namin ‘no! Sawa na kasi ako sa mga ganapang gusto ka nila pero wa naman sila watch ng movies.”
Ha-hahahahaha! Oo nga naman.