3 patay, 3 nasagip sa guho sa Baguio

TATLO katao ang nasawi at tatlo pa ang nasagip matapos maguhuan ng lupa sa isang village sa Baguio City, iniulat ng pulisya Lunes.

Idineklarang patay sa ospital sina Lemuel Malate, John Ray Daus, at isang “Jeff,” pawang mga trabahador at tubong Pangasinan, ayon sa ulat ng Cordillera regional police.

Naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng hapon Sabado, sa likod ng isang bahay sa Shangri-La Village, Purok 1, Brgy. San Luis.

Binubungkal noon ng anim na trabahador ang lupa sa ilalim ng isang riprap, nang biglang gumuho ang lupa sa itaas kaya sila nalibing.

Nahugot ng iba pang trabahador ang tatlo, ngunit habang ginagawa ito’y may gumuho ulit na lupa sa itaas kaya tuluyang natabunan ang mga nasa ilalim pa, ayon sa pulisya.

Matapos mahugot ang mga naiwan sa guho pasado alas-3, agad silang dinala sa Baguio General Hospital and Medical Center, ngunit idineklarang patay ng mga doktor alas-4.

Read more...