San Miguel Beermen pinadapa ang TNT KaTropa

NAKAPAGTALA ng magkasunod na panalo ang San Miguel Beermen  matapos nitong talunin ang TNT KaTropa, 107-96, sa kanilang 2018 PBA Governors’ Cup game Sabado sa Calasiao Sports Complex sa Calasiao, Pangasinan.

Naghabol sa 11 puntos sa kaagahan ng ikaapat na yugto, nagsagawa ang Beermen ng 32-10 ratsada para tapusin ang laban.

Ang krusyal na panalo ay naghatid sa an Miguel Beer sa ikaanim na puwesto sa hawak na 4-4 kartada at pinutol din nila ang tatlong sunod na panalo ng TNT.

Muntik naman magtala si Kevin Murphy ng triple-double sa ginawang 27 puntos, 10 rebound at siyam na assists para sa Beermen habang si Christian Standhardinger ay nagdagdag ng double-double sa ginawang 21 puntos at 13 rebound.

Kumana naman si Marqus Blakely ng 26 puntos, 18 rebound at walong assist para pamunuan ang KaTropa, na nahulog sa ikapitong puwesto kasama ang NLEX Road Warriors sa 4-5 record.

Read more...