Tumatakbong konsehal itinumba

NASAWI ang isang lalaking tumatakbo bilang konsehal nang pagbabarilin ng mga di pa kilalang salarin malapit sa kanyang bahay sa San Antonio, Nueva Ecija, Biyernes ng hapon.

Nakilala ang nasawi bilang si Allan Joson, residente ng Brgy. Julo, sabi ni Chief Supt. Amador Corpus, direktor ng Central Luzon regional police.

Nakatayo si Joson sa kalsadang ilang metro lang ang layo sa kanyang bahay dakong alas-4:25, nang paputukan ng isa sa dalawang lalaking magkaangkas sa motorsiklo, ani Corpus.

Kinondena ni Corpus ang insidente, at tiniyak na magsasagawa ng malalim na imbestigasyon para makilala, matunton, at maaresto ang mga salarin.

“We are looking into all angles to establish possible motives and we are exerting all means to get into the bottom of this unfortunate incident,” aniya pa. 

Read more...