Anti-drug cop patay habang naniniktik

NASAWI ang pinuno ng drug enforcement unit ng pulisya sa Gen. Trias City, Cavite, nang sumpungin umano ng karamdaman habang naniniktik sa mga tulak ng droga.

Nakilala ang nasawi bilang si SPO2 Benny Sabio, 38, pinuno ng Station Drug Enforcement Unit, ayon sa ulat ng Cavite provincial police.

Naganap ang insidente Biyernes ng madaling-araw, habang nagsasagawa si Sabio at kanyang mga tauhan ng casing at surveillance sa Brgy.  Manggahan.

Napansin na lang ng kanyang mga tauhan na di na kumikibo si Sabio, kaya itinakbo siya sa pagamutan, ngunit idineklara siyang patay ng doktor alas-12:30. 

Read more...