Mas feel namin ang dark skin ngayon ni Andi Eigenmann.
Sa tagal na rin kasi ng aktres sa pamamalagi sa probinsya (una sa Baler, Aurora, at ngayon ay sa Siargao, Surigao del Norte), mukhang mas gusto na nitong maging isang island girl at ordinaryong mamamayan.
“Puwede naman, di ba? If there is work at gusto kong gawin then go, push!” pabakla pa nitong sabi sa mediacon ng latest movie niya sa Viva Films, ang suspense-horror na “All Souls Night.”
Prangka ring sinabi ni Andi na wala raw talagang offer sa kanya to work kaya’t nang tawagan siya ni Vincent del Rosario ng Viva, na-feel niyang kilala pa rin pala siya ng showbiz.
“Akala ko talaga nakalimutan na ako. Pero timing lang din siguro. May mga tao at grupo talagang mauunawaan yung gusto mo sa buhay. I am an artist, galing ako sa angkan ng mga artista at hindi basta-basta maiaalis sa akin yung kuneksyon ko rito.
“It’s just that at this point of my life, may gusto akong gawin. But acting on TV and film will never be taken out of my life. Kaya masaya ako na may gaya nina boss Vincent at Viva na gets nila ang pagluka-lukahan ko sa buhay,” sey pa ni Andi.
Isang kakaibang mystery-horror movie ang “All Souls Night” at hindi na baguhan si Andi sa ganitong genre, “Bawat horror film naman ay may bagong pasabog. Sure akong makaka-relate kayo sa mga characters. May mga eksena na sasabihin mong, ‘parang na-feel at na-experience ko na yun.”
Ito ang Holloween offering na Viva at showing na sa Nov. 7 directed by Jules Katanyag and Aloy Adlawan.