Sikat na female celeb halos isumpa ng mga kababayan sa probinsya

DAHIL sa mga huling pangyayari sa career ng isang sikat na female personality ay nagwawagwagan uli ang dila ng mga tunay na nakakakilala sa kanya.

‘Yun ang mga nakakakilala sa kanya mula pa nu’ng bata siya, kilala ng mga ito ang kanyang pamilya, naging saksi ang mga ito sa estado ng kanilang buhay.

Kuwento ng isang source, “’Yung kuwento ng kawalan ng utang na loob na ibinabato sa kanya ngayon, e, hindi na bago sa mga taong nakakakilala sa kanya mula ulo hanggang paa.

“Hindi na raw bago ‘yun sa pandinig nila dahil kahit naman sa pinagmulang lugar ng pamosong female personality, e, napakabilis niyang nakalimot.

“Naaalala nila ‘yung time na inimbitahan nila ang girl sa town fiesta nila. May project na ipinagagawa nu’n ang parokya nila. Kailangan nilang makalikom nang malaking halaga para sa pagpapagawa ng simbahan nila.

“Pero nahirapan silang makipag-usap sa kampo ng girl. Pinaikut-ikot sila, kung sinu-sinong tao ang ipinakausap sa kanila. Nu’ng finally, e, nakausap na ng town fiesta committee ang manager ng girl, pahiya ang mga nakipag-usap.

“Sobrang taas ng talent fee na hinihingi nila, hindi kaya ‘yun ng kanilang lugar, dahil walang malaking pondo ang town nila. Kinausap nila ang isang pinsan ng singer-actress, wala ring nagawa, kung ano raw ang presyong ibinigay ng manager ng pinsan niya, e, ‘yun na raw ‘yun!” simulang kuwento ng aming source.

Umasa pa rin ang komite ng fiesta na baka naman mamagitan sa usapan ang mismong female personality para ibaba ang kanyang presyo, pero walang nangyari, talagang towering pa rin ang kanyang talent fee.

“Minarkahan ‘yun ng mga kababayan niya, maraming nagalit sa kanya, wala raw siyang utang na loob dahil puwede niya namang ipilit sa manager niya na lumabas na lang siya nang kahit libre dahil du’n siya sa lugar na ‘yun lumaki, pero waley!

“Care bears siya! Ang nakuhang main entertainer ng show, e, ang female singer na kasamahan niya, mababa lang ang talent fee, hindi niya tinalo sa presyuhan ang mga kababayan ng singer na tagaroon,” naiinis na pagtatapos ng aming impormante.

Naku naman, Bradly Guevarra, kilalang-kilala mo kung sino ang pamosong female personality na ito, kilalang-kilala mo, itanong mo man kay Tita Nene Ulanday.

 

Read More: 

Alice Dixson may pa-charity event, target makalikom ng P1M

Maymay may espesyal na video para kay Edward: She told me watch this only if…

 

 

Read more...