Comedian tatakbo sa Eleksyon 2019 kapalit ng malaking halaga

NAGDEDENAY pa nu’ng una ang isang male personality na tatakbo para sungkitin ang isang mataas na posisyon sa isang malayong probinsiya. Wala raw katotohanan ‘yun, hindi raw niya maiiwasan ang kanyang trabaho, tsismis lang daw ang lahat.

May mga naniwala sa kanyang sinabi, pero mas marami ang naniwalang tatakbo talaga siya, dahil nagkaroon na sila ng usapan ng magpopondo sa kanya.

Kuwento ng aming chikadorang source, “To the tune of how much? Sino ba naman kasi ang maniniwala na bigla na lang siyang tatakbo sa lugar na ‘yun, e, magbakasyon man lang yata nu’ng mga nakaraang taon, e, hindi niya naman nararating ang probinsiyang ‘yun?

“Tapos ngayon, e, hihingi pa siya ng boto sa lugar na nu’n lang yata niya napuntahan? Magkano? Ano ito, lokohan?” napapailing na kuwento ng aming impormante.

Dati nang kumandidato sa kanilang bayan ang male personality, pero olats siya, du’n siya lumaki pero nalotlot pa rin siya.

Balik-chika ng aming source, “Paano naman siya mananalo, e, hindi naman siya regular na nangangampanya? Kung kailan lang niya maisip na tumayo sa entablado, saka lang siya magpupunta!

“Hindi siya seryoso sa ginagawa niya, lulubog-lilitaw siya sa kampanya, kaya sino rin ang magseseryoso sa kanya? Lagi naman siyang ganu’n, e, akala niya, comedy ang buhay!” pahayag uli ng aming impormante.

Tuloy na tuloy na nga ang pagtakbo ng male personality sa probinsiyang pinamumunuan ng isang makapangyarihang angkan. Magulo ang takbo ng pulitika sa napili niyang kandidatuhan.

“Hindi puwede du’n ang dati niyang ginagawa na mangangampanya lang siya kung kailan niya gusto. No puwede, dahil kinuha siyang tumakbo du’n with matching how much is the doggie in the window!

“Kailangan niyang magseryoso, kahit pa komedyante siya. Hindi ko na pakakahabaan ang kuwento ko, very long na, basta!” pagtatapos ng aming source.

Bradly Guevarra at Tita Nene Ulanday, mauupo pa kaya kayo n’yan sa Row 4 na katabi ang mabahong basurahan?

Read more...