Barbie biktima rin ng pambu-bully sa iskul

BARBIE FORTEZA

Nabiktima rin pala ng bullying si Barbie Forteza noong nasa elementary siya.

“Public school po ako dati, grade one hanggang grade four. Parang sa isang classroom may food tray lang nagbebenta ng kung ano ‘yung mga meron doon. Tapos may kaklase ako na in-charge sa paglilista ng noisy, tapos kapag hindi ko siya pinautang, ililista niya ako sa noisy.

“Eh, kapag nasa noisy ikaw ‘yung huling pipila. Eh, minsan ‘di na ako umaabot sa pagkain. Siguro, kaya ginusto ko maging artista para ipakita ko na may kaya rin akong gawin,” ani Barbie.

Read more...