Golden Canedo may nadiskubre sa ugali ni Kyline

GOLDEN CANEDO AT KYLINE ALCANTARA

Fan na fan ni Kyline Alcantara ang The Clash champion na si Golden Canedo. Kaya naman nataranta talaga siya nang malamang makakasama niya ang phenomenal kontrabida sa musical variety show ng GMA na Studio 7.

“Napapanood ko lang siya noon. Ngayon po eh kasama ko na siyang mag-perform. Akala ko nga po hindi niya ako papansinin pero hindi pala. Kapag feeling ko eh naa-out of place ako sa taping, ina-approach niya po ako,” pahayag ni Golden.

Sa totoo lang, agad umariba sa ratings game ang pilot episode ng Studio 7 last Sunday. Sa second episode nito, mas matitindi ang hatid na pasabog ng iba pang regulars ng programa.

Anyway, kung gusto ninyong malaman ang mga ganap kay Golden bago siya tinanghal na winner, ang kuwento niya ang tampok ngayong gabi sa Magpakailanman ni Mel Tiangco.

Read more...