Du30 kinumpirmang si Sara ang nagpatalsik kay Alvarez

KINUMPIRMA ni Pangulong Duterte na ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte ang nasa likod ng pagpapatalsik kay Davao del Norte Rep. Pantaleon Alvarez bilang Speaker.

“Be careful with that woman. She can even oust the Speaker. She operated in Davao. Tingnan mo ang nangyari sa Congress, natanggal si…,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa 44th Philippine Business Conference and Expo.

Matatandaang tinanggal si Alvarez bilang Speaker ng Kamara bago ang pagtatalumpati ni Duterte sa kanyang ikatlong State of the Nation Address (SONA) noong Hulyo.

Pinalitan si Alvarez ni Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo bilang Speaker.

Idinagdag ni Duterte na si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat ang nagsabi kaugnay ng naging partisipasyon ni Sara.

“Nagkita sila sa washroom. ‘Tell my father, I’m sorry.’ Hindi ko alam i’ll implikasyon. Si Inday, ‘yun, minaneuver niya,” dagdag ni Duterte.

Read more...