DINOMINA ng defending champion San Beda University Red Lions ang Lyceum of the Philippines University Pirates sa kabuuan ang laro bago itinakas ang 75-68 pagwawagi at masungkit ang top seeding sa Final Four ng NCAA Season 94 men’s basketball tournament Huwebes sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.
Hindi pinaporma ng depensa ng Red Lions si CJ Perez, na nilimita nito sa siyam na puntos magtapos mag-average ng league-best 19.2 puntos kada laro, at ang Pirates, ang No. 1 sa opensa ng liga sa itinatalang 87.6 puntos.
Bunga ng panalo, ang San Beda (16-1) ang lalabas na No. 1 team matapos ang double-round elimination kahit na matalo sila sa University Perpetual Help Altas (11-7) sa Martes.
Nakuha ng LPU ang No. 2 seeding at makakaharap nila ang No. 3 seed Letran Knights (13-4) sa Final Four.
Hawak naman ng Red Lions at Pirates ang twice-to-beat advantage sa Final Four.
Nanguna para sa San Beda sina Robert Bolick at Fil-Canadian rookie James Kuwekuteye Canlas na gumawa ng tig-18 puntos.
Gumawa si Mike Nzeusseu ng 16 puntos para pamunuan ang LPU.