Trillanes hindi sumipot sa hearing

HINDI sumipot si Sen. Antonio Trillanes IV sa preliminary liInvestigation sa Pasay City Prosecutor Office kaugnay sa kasong inciting to sedition at paglabag sa Article 136 o proposal to commit coup d’ etat na isinampa ni Department of Labor Undersecretary Jacinto Paras.

Alas-1:30 ng hapon nang dumating sa tanggapan ni Assistant City Prosecutor Reynaldo Ticyado si Paras kasama ang legal counsel na si Atty. Eligio Mallari at si Manuelito Luna, commissioner ng Anti Corruption Commission.

Ayon sa piskalya, humingi ng karagdagang araw ang kampo ni Trillanes para sagutin ang reklamo laban sa kanta kaya nagbigay ang una ng pitong araw para maghain ang kampo ng senador ng counter affidavit na itinakda sa Oktubre 25. Matatandaang kinasuhan ni Paras si Trillanes noong Setyembre 14 matapos umanong ilarawan ng senador si Pangulong Duterte na isang diktador.

Dagdag ni Paras, malinaw na nilabag ni Trillanes ang batas nang batikusin nito ang Pangulo.

Aniya, hindi na sakop ng freedom of expression ang binitawang salita ng senador kontra kay Duterte.

Read more...