Du30 inaming nagpapa-derma dahil sa nangingitim na mukha

INAMIN ni Pangulong Duterte na nagpatingin na siya sa isang dermatologist dahil sa  nangingitim ng kanyang  mukha sa harap naman ng mga espekulasyon na may malubha siyang sakit.

“A dermatologist visited me. She is a lady but she is very good,” sabi ni Duterte sa kanyang talumpati sa Philippine Business Conference and Expo sa Manila Hotel.

Sinisi rin ni Duterte ang facial cream na kanyang ginagamit sa kanyang mukha.

Nauna nang sinabi ni Duterte na nakuha niya ang pangingitim ng mukha dahil sa pagbisita sa mga kampo ng militar.

“Nasunog itong…Buti na lang napunta ako dun sa derma na she’s very good. Kasi yang ginamit ko kasi, ‘yang sa asawa ko, ah cream lang ‘yan. Yung asawa ko Shisheido, may 1, 2, 3, 4,” dagdag ni Duterte.

Read more...