Agot hindi na tatakbo: Goodluck sa mga kakandidato!

AGOT ISIDRO

NANGHINAYANG ang maraming netizens sa naging desisyon ni Agot Isidro na huwag nang tumakbong senador sa 2019 elections.

Inaasahan kasi ng kanyang mga social media followers na hahabol siya sa huling araw ng filing ng certificate of candidacy sa Comelec. Nalaman ng mga supporter ni Agot na wala pala siya ngayon sa bansa.

Nag-post ang singer-actress ng litrato sa Instagram na kuha sa Zion National Park sa Utah, USA.

Nilagyan niya ito ng caption na, “Waiting for my bus to Comelec. Ihanda na ang mga banderitas! (laughing emoticons).”

Dugtong pa niya, “Seriously, good luck sa mga kakandidato. More importantly, good luck sa mamamayang Pilipino!”

Maraming Pinoy ang umasa na isa si Agot sa mga celebrities na sasabak sa midterm national elections next year matapos mapasama sa mga possible senatorial candidates ng Liberal Party.

Sa isang panayam noon, sinabi ni Agot na pag-iisipan niyang mabuti ang pagpasok sa politika dahil,

“Parang hindi yata enjoy masyado ang Senado.”

Read more...