‘Patikim ni Kim’ sa Bubble Gang nagmarka

KIM DOMINGO

Every Friday, talagang tutok ang mga kalalakihan at katomboyan sa Bubble Gang dahil sa segment ni Kim Domingo na “Patikim ni Kim”. Isa ito sa mga inaabangan ng viewers dahil sa kaseksihan at kakinisan ng Kapuso star.

Thankful ang sexy actress dahil nabigyan siya ng sariling tatak sa longest-running gag show ng GMA na siya ring nagbigay ng big break sa sa kanya noong 2016.

“Ay siyempre mas lalo akong thankful kasi nabigyan ako ng sariling segment which is ‘Patikim ni Kim’ na kumbaga nakatatak na sa akin ‘yun eh kapag sinabi na Kim Domingo ng Bubble Gang ay si Patikim ni Kim yan.”

Dapat abangan ng mga Kapuso viewers ang bonggang 23rd anniversary celebration ng Bubble Gang very soon sa GMA 7 lang.

Read more...