Sitcom nina Vic at Maine, Studio 7 wagi sa ratings game

By Jun Nardo October 18,2018
share this

Sitcom nina Vic at Maine, Studio 7 wagi sa ratings game

By Jun Nardo October 18,2018
share this

VIC SOTTO AT MAINE MENDOZA


PANALO sa ratings ang dalawang Kapuso shows na nagsimula last Saturday and Sunday – ang sitcom na Daddy’s Gurl at ang musical variety show na Studio 7. Pinabagsak ng dalawang programa ang katapat na Kapamilya shows, huh!

Hindi lang kasi nag-tweet ang fans ni Maine Mendoza sa pilot episode ng Daddy’s Gurl kung di tumutok talaga sila sa panonood. Kaya naman hindi lang isa kung di dalawang shows ng Channel 2 ang pinataob ng sitcom nila ni Bossing Vic Sotto!

Mula sa data na inilabas ng AGB NUTAM, may 13.6 percent ratings ang Daddy’s Gurl habang ang katapat na shows – Kid’s Choice at Maalaala Mo Kaya – ay nakakuha ng 9.9% at 8.8%, respectively.

Eh, super nakaaaliw naman kasi ang chemistry ng main cast na sina Bossing, Wally Bayola at Maine. Pati nga ang pagsasalita nila na may puntong Batanggenyo ay patok sa manonood.

Ang musical variety show naman ng Kapuso na Studio 7 ay nagwagi rin sa labanan, ibig sabihin lang nito, na-miss talaga ng manonood ang nasabing concept sa telebisyon.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending