Andi nagpapatayo ng sariling bahay sa Baler, may negosyo na rin sa Siargao | Bandera

Andi nagpapatayo ng sariling bahay sa Baler, may negosyo na rin sa Siargao

Jun Nardo - October 18, 2018 - 12:35 AM

ANDI EIGENMANN AT ELLIE


Maagang ipinamulat ni Andi Eigenmann sa anak na si Ellie ang kahalagahan ng pag-aalaga sa kapaligiran.

Isinasama ng young actress ang anak nila ni Jake Ejercito sa Siargao kapag walang pasok sa school ang bata.

Halos sa Siargao na nakatira ngayon si Andi dahil may negosyo na siya roon. Pero nagpapatayo rin daw siya ng bahay sa Baler, Aurora dahil na-in love rin daw siya sa nasabing probinsiya.

Ordinaryong tao ang tingin sa kanya ng mga nakakakita sa kanya sa Siargao na maagang gumigising, nanghuhuli ng kakainin sa dagat at chikahan sa mga naging kakilala na niya sa lugar.

“It was so much fun. Hang around with my friends. When Ellie is with me, she’ll go out with her friends also or go around with me discovering new places na hindi pa namin napupuntahan,” pahayag ni Andi sa mediacon ng bagong movie niyang “All Souls Night.”

Rason ni Andi sa pananatili sa probinsiya, bata pa lang siya ay pangarap na niyang tumira sa rural area.

Eh ano ang reaksyon ng anak niya na nasanay sa buhay sa syudad?

“I’m just lucky because she gets the best of both worlds. Ako, nasa isla, ang daddy niya nasa syudad. I’m just lucky that she also loves the beach and the ocean. Minsan, when it comes to being environmentalist, preventing plastic pollution, mas OA pa siya kesa sa akin!” paliwanang ni Andi.

Huling ginawa ni Andi ang hugot movie na “Camp Sawi” at dahil sa hilig niya sa mga horror films kaya raw niya tinanggap ang Viva movie na “All Souls Night” mula sa direksyon nina Aloy Adlawan at Jules Katanyag.
Showing na ito sa Oct. 31 kaya saktung-sakto sa Holloween.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending