Hugot ni Maris sa pag-iyak ni Loisa: Kung nami-miss niya ako, may cellphone naman…

Tila malalim ang hugot ni Maris Racal sa emosyonal na panayam ni Loisa Andalio sa Tonight With Boy Abunda.

Napaiyak kasi si Loisa sa nasabing episode habang sinasabing nami-miss na niya ang kaibigan. Nagkaroon ng gap ang dalawang Kapamilya stars dahil sa “rivalry” issue.

Ito ang naging sagot ni Maris sa pag-iyak ni Loisa, “Actually to be honest, hindi ko talaga pinanood ‘yung video. Kung nami-miss niya (ako), meron namang cell phone. Alam niya ‘yung number ko. As in malapit lang naman kami nakatira and she knows I’m always here for her if she needs me.”

Hirit pa ng dalaga sa panayam ng ABS-CBN, And kilala namin ang isa’t isa and alam namin kung ano ‘yung totoo.”

Read more...