HEART kay CHIZ: Sana siya na ang huling lalaki sa buhay ko!

IPINAGDARASAL ni Heart Evangelista na sana nga ay si Sen. Chiz Escudero na ang mapangasawa niya. Ayaw na raw ng Kapuso aktres ng iba, gusto niyang ang senador na ang huling lalaki sa buhay niya.

Pero kumambiyo agad si Heart, wala pa naman daw silang plano ni Sen. Chiz na magpakasal at hindi pa naman daw ito nagpo-propose sa kanya at alam daw niyang hindi pa siya nito yayayaing magpakasal .

“Hindi niya gagawin ‘yun, alam naman kasi niya na wala pa talaga sa mga plano ko ang mag-settle down. Gusto pa niya akong i-enjoy ko ang pagiging single and independent.

But I must admit na I’m praying na sana, this is it na, tuluy-tuloy na,” pahayag ni Heart sa interview ng Startalk last Saturday.
Tungkol naman sa kanyang mga magulang, hanggang ngayon ay hindi pa rin daw sila nagkakausap-usap, pero siyempre, umaasa siya na very soon ay maaayos din ang lahat.

Pamilya pa rin daw sila at malaki pa rin ang respeto niya sa kanyang ama’t ina. But one thing is for sure, until now ay hindi pa rin tanggap ng parents ni Heart si Sen. Chiz.

At kahit na nga abot-langit ang pagtutol ng mga magulang niya sa kanyang pagsosolo sa buhay, itinuloy pa rin ni Heart ang paglipat sa sarili niyang bahay.

“Yes, lumipat na po ako, just recently, nagpa-house warning na ako, my friends were there. Inireklamo pa nga ako ng mga kapitbahay dahil parang naingayan sila sa amin.

Sorry talaga, pero hindi naman talaga kami magulo, siguro medyo lumalakas lang ang mga boses kapag nagkakatawanan,” kuwento pa ng aktres.

Mismong si Sen. Chiz pa raw ang tumulong sa pag-aayos ng ilang bahagi ng bahay, “Masarap lang yung feeling na I have all the freedom to decide kung anong gagawin ko sa bahay, like sa pagpili ng color, ng mga furniture, it’s a good feeling.”

Read more...