Ilocos Norte niyanig ng magnitude 4.8 lindol

NIYANIG ng magnitude 4.9 lindol ang Ilocos Norte kaninang umaga.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology naramdaman ang lindol alas-4:02 ng umaga. Ang epicenter nito ay pitong kilometro sa silangan ng Carasil at may lalim na 11 kilometro.

Nagdulot ito ng Intensity IV sa mga bayan ng Carasi at Solsona.

Intensity III naman sa  Gonzaga at Aparri, Cagayan; Badoc, Pinili, Currimao, Vintar, Bacarra, Pasuquin, Laoag City, at Paoay, Ilocos Norte.

Intensity II naman sa Kabugao at Luna, Apayao.

Ang mga instrumento ng Phivolcs ay may naitala namang Intensity IV sa Pasuquin, Ilocos Norte; Gonzaga, Cagayan; Intensity III sa Sinait, Ilocos Sur; Bacarra at Laoag City, Ilocos Norte; at Intensity I sa Vigan City.

Read more...