Naaresto si Ray John Musa, 26, ng Pili, Camarines Sur., at miyembro ng Capitol Complex Security Unit. Siya ay nahaharap sa kasong attempted murder at paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
Naghain ng certificate of candidacy si Andaya kahapon para tumakbong gubernador kalaban ni incumbent Gov. Miguel Villafuerte.
Paglabas ni Andaya ay humalo umano sa mga tagasuporta nito si Musa at ng makalapit sa kongresista ay naglabas ng baril.
Napansin umano ito ng mga tagasuporta ni Andaya at nabitawan ni Musa ang baril. Hinuli ng mga close-in security ni Andaya si Musa at narekober sa kanya ang kalibre .38 revolver na TM Smith & Wesson na walang serial number at may limang bala.
“Kung akala nila matatakot ako, diyan sila nagkakamali. Wala nang atrasan ito,” ani Andaya. “Lalabas din naman siguro ang katotohanan at malalaman natin kung sino talaga ang nag-utos sa kanya. Hindi naman maglalakas-loob iyan kung walang matibay na kinakapitan.”