Harlene naka-move on agad kay Romnick: Masaya ako dahil magkaibigan pa rin kami!

HARLENE BAUTISTA AT ROMNICK SARMENTA

AMINADO si Harlene Bautista na nalungkot siya nang mauwi sa hiwalayan ang relasyon nila ng asawang si Romnick Sarmenta matapos ang halos 20 taon ng pagsasama.
Siyempre, apektado rin ang kanilang mga anak sa nangyari pero ipinagdarasal niyang maaayos din ang lahat.
Nakausap ng ilang press si Harlene nang samahan ang Kuya Hero (Bautista) niya sa pagpa-file ng certificate of candidacy last Monday para tumakbo muli bilang konsehal ng 4th district ng Quezon City.
Sabi ni Harlene, “Masaya ako at magkaibigan pa rin naman kami ni Romnick!”
Sa kanilang hiwalayan, kahit mutual decision ang ginawa niya ay marami rin ang nagulat lao na’t wala namang nabalita noon na may third party o may bugbugang nangyayari sa relasyon nila.
Agad kasi siyang naka-move on sa nangyari, “Ganoon ang pag-iisip ko, eh. Siyempre, malulungkot ka ng ilang araw. Katulad nu’ng dati. Buntis ako sa panganay ko.
“Nagkulong ako. Naglayas ako. Nakitira ako sa kaibigan ko. Hindi ako lumalabas. Tapos, ‘Ano ba ‘to? Bakit ako nagkakaganito?
“Ako lang ba ang first time? First ba ako nagkaganito?’ Hindi naman eh. Okay naman sila. So, okey, go! Move on na! Ganoon ako,” paliwanag ni Harlene.
Naglabas sila ni Romnick ng joint statement sa hiwalayan nila para na rin matigil ang mga tanong sa rason ng pagkabuwag ng relasyon nila. Kahit saan kasi siya magpunta ang laging tinatanong sa kanya ay si Romnick.
“Paano ko sasagutin ang mga tanong? Ang hirap kasi parang hindi ako nagsasabi ng totoo,” sey niya.
Ano naman ang suporta na nakuha niya mula sa kanyang mga kuya na sina Herbert at Hero sa naging desisyon niya?
“Oo, sila kuya, kung ano ang desisyon mo, susuportahan ka namin,” tugon ni Harlene.
Iniyakan ba niya ang desisyon nila? “Siyempre! Matagal! Taun po! Taon po ang iniyak ko! Opo umiyak ako. May pagkakataong umiyak ako para sa mga anak ko. Sino naman ang may gusto ng ganoong pamilya?” diin ng nag-iisang kapatid na babae nina Bistek at Hero.
Anyway, ngayong wala ng Romnick na iniisip, matututukan na ni Harlene ang film outfit na Heaven’s Best Entertainment lalo’t pumasok pa sa 2018 MMFF ang pelikula nilang “Rainbow Sunset” na pinagbibidahan nina Eddie Garcia, Gloria Romero, Aiko Melendez, Sunshine Dizon at marami pang iba, sa direksyon ni Joel Lamangan.
q q q
Maganda ang mga feedback ng mga manonood sa pagiging co-host ni Sarah Lahbati sa Eat Bulaga.
Ilang beses nang umapir ang asawa ni Richard Gutierrez sa noontime show ng GMA at marami ang nag-request na sana’y maging regular Dabarkads na siya.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Sarah ng kanyang litrato at nilagyan niya ito ng caption na, “So excited to be joining Eat Bulaga as guest co-host for the time being! I guess I’ll see you everyday, dabarkads!”

Read more...