Direktor ng 'Aurora' ni Anne inaral ang dagat sa Batanes | Bandera

Direktor ng ‘Aurora’ ni Anne inaral ang dagat sa Batanes

Reggee Bonoan - October 17, 2018 - 12:15 AM

ANNE CURTIS AT YAM LARANAS

SA announcement ng Final 4 entires para sa 2018 Metro Manila Film Festival ay present si Yam Laranas, ang direktor ng “Aurora” ni anne Curtis produced ng Aliud Entertainment at Viva Films.

Kilalang metikulosong direktor si Yam kaya naman bihira siyang gumawa ng pelikula. Pero kapag gumawa naman ay talagang pinag-uusapan.

Ang “The Road” ng GMA Films noong 2012 ang huling mainstream movie ni direk na pinagbidahan nina Carmina Villaroel, Rhian Ramos, Barbie Forteza, Marvin Agustin, Derrick Monasterio, Louise delos Reyes, at introducing si Alden Richards.

“Oo, ako ang nag-introduce kay Alden sa pelikula, sa ‘The Road’ siya unang napanood. In-audition pa namin si Alden doon,” pahayag ng direktor.

Madalas daw kasi sa ibang bansa si direk Yam, “Kasi half of the year nasa L.A. (Los Angeles, USA) ako, every year. Nagsusulat ako, gumagawa ng script. After kasi ng ‘The Road,’ gumawa ako ng small film parang passion project, yung ‘Abomination’ na ipinalabas sa Sinag Maynila, it’s a super low-budget.”

Ang tunay daw na dahilan kaya bihira siyang gumawa ng pelikula ay, “Hirap kasi kapag wala ‘yung puso mo into it, eh. Mahirap mag-isip ng story na alam mo ‘yun, ibibigay mo heart and soul, two years mo isusulat para magawa.

“Not for being maarte or what, If I want to make a film kasi, first of all I wanna make it as great as I can, as good as I can na tipong matutuwa ‘yung producers ko, matutuwa ‘yung audience ko, at magiging proud ako. Ang gusto ko, not easy to find ‘yung writing (script),” esplika ni direk Yam.

At itong “Aurora” ay istorya raw ng asawa niya, “Gin (de Mesa), my wife wrote a script, itong Aurora, sabi niya, ‘sulat mo nga tulungan mo ako.’ Tapos inisip ko kung sinong artista ang bagay na gumanap?

“Friend ko si Anne, so I told her I have a script, basahin mo nga, binasa naman, alam mo reaksyon niya,

‘I want to do this!’ But what’s next? Si Paolo Fernandez who is the owner of Aliud Entertainment has a relationship with Viva, ako rin may relationship with Viva and Anne is a Viva artist, so, this added up together.

“So sabi ko kay Anne, ‘I’ll pitch to Viva. Sabi ko kay Paolo, pitch natin and one time lang, Viva wanted to do it, sabi nila, ‘we want to do it, gusto naming gawin ito kasi si Anne palang so in love with the story right away.”

Tungkol saan ang “Aurora”? “Anne owns a small bed and breakfast na lumang bahay and converted into an inn, na matatagpuan sa batuhan na hindi ka talaga kikita. They use this as an operation center na nagre-rescue ng mga dead bodies from the Aurora ship.

“After that, nu’ng wala na ‘yung mga nakatirang pamilya na naghahanap ng lost members of their families, may nag-offer kay Anne na babayaran siya kung may mahahanap pa siyang patay.

“We shot this in Batanes and I stayed there for almost a month, pero halos one year kaming nag-prepare. Pinag-aralan namin ‘yung tubig ng Batanes. Sa awa ng Diyos ‘yung natutunan ko, hindi nakatulong kasi ang likot ng waters sa Batanes but ang kagandahan kasi doon, all the dots connected talaga, the producers, the actors, they wanted to do it maski sa Batanes pa,” kuwento ng direktor.

“We shot this for 25 days and we started June. So, ngayon we do fine tuning kasi maraming special effects. Special effects for the sake of telling the story. We have put a big ship and the rocks of Batanes.

We have a great team doing it. Kaya maaga kaming natapos,” pagmamalaki ng direktor.

Anyway, may isang pelikulang ipinrodyus ang Aliud Entertainment at Viva Films, ang “All Souls Night” na idinirek ni Aloy Adlawan at mapapanood na sa Okt. 31 starring Andi Eigenmann.

Huling tanong namin kay direk Yam, ano ang mas gusto niya, box-office hits o awards? “Alam n’yo it’s the same question as, anong gusto mo, kikita ka para makagawa ng pelikula? To me, when I make a film I want an audience as many as possible. So ‘yung audience na ‘yun will match to a box-office siguro pag maraming nanonood.

“The awards I cannot say that I want, it’s good to be recognized. Masarap naman ‘yun. Pero parts (trophies) na ibibigay ay parang icing of the cake na lang ‘yan. Parang pasasalamat mo na lang din ‘yun na para sa puso mo.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

“Kaya sa box-office ako kasi equals the number of audience, meaning ang daming nanood. E, ‘yun lang naman ang pinaka-best gift sa filmmakers,” ani direk Yam.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending