Sikat na aktres mapagtanim ng galit kaya mabigat ang buhay

By Cristy Fermin October 15,2018
share this

Sikat na aktres mapagtanim ng galit kaya mabigat ang buhay

By Cristy Fermin October 15,2018
share this

HANGGANG ngayon ay malawak na dagat pa rin ang distansiya ng dalawang babaeng personalidad na hindi na iba sa isa’t isa kung tutuusin. Marami nang nagtangkang tapusin ang kanilang hidwaan pero nabigo ang lahat.
Pumasok na sa eksena pati ang malalapit nilang kaibigan pero walang nagtagumpay, talagang mailap pa ang kapalaran sa kanilang pagkakasundo, kaya maraming nalulungkot sa mga nangyayari sa kanila.
Kuwento ng aming source, “Marami nang nag-try na pagbatiin sila, pero wala ring nangyari. Ayaw talaga ni Female Personality A sa idea, hindi siya sang-ayon, kaya walang naganap na pagkikita sa kanila ni Female Personality B.
“Dahil nakatatanda si Female Personality A, inaasahan ng mga kaibigan nila na siya na sana ang magpakumbaba, pero hindi, siya ang may matigas na paninindigan na hindi sila magkita ni Female Personality B,” chika ng aming source.
Matigas daw talaga ang loob ng mas nakatatandang aktres, kahit sa mga dati niyang nakaalitan ay ganu’n din siya, mapagtago siya ng sama ng loob at matagal bago makalimot.
Patuloy na chika ng aming source, “Di nga ba, ‘yung mga taong nakagalit niya dekada na ang nakararaan, e, kaaway pa rin niya hanggang ngayon? Matagal siyang magpatawad.
“Kung tutuusin nga, e, siya ang dapat humingi ng tawad sa ibang nakagalit niya, pero hindi pa rin niya ginagawa, kasi nga, mapagtago siya ng galit sa puso niya.
“Sabi nga ng mga kaibigan niya dati, habang ganyan siya, e, mas bibigat ang buhay niya. Kailangan daw siyang magpakumbaba, magpalambot ng puso, para maging magaan ang journey niya.
“Tulad na lang sa case nila ni Female Personality B, napakatagal na silang hindi nagkakaintindihan? Naturingan pa naman silang hindi iba, pero ano ang nangyayari sa kanila?
“May magtatanong pa lang sa kanya, e, hinaharang na niya ang tanong, ayaw raw niyang pag-usapan ang tungkol sa kanila. Nakakapanghinayang ang chance, hindi na siya bumabata, pero ganyan pa rin katigas ang puso niya.
“Naku, Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, ilaga n’yo nga ang puso ng babaeng ‘yun, para lumambot! Para magkaroon ng himala!” pagtatapos ng aming source.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

What's trending