Joshua: Gusto kong makita ng lahat kung gaano ka-sexy si Julia!

NAWALA sa sarili si Joshua Garcia nang makaeksena niya si Iza Calzado sa Ngayon At Kailanman.
“Grabe, ibang experience. Nanginginig ako kasi tinititigan ko siya. ‘Yung eksena namin tinitigan ko siya. Ang ganda ng mata niya. Na-amaze ako sa kanya. Nawala ako sa eksena. Pauli-ulit nga kami,” kuwento ni Joshua when we interviewed him sa set ng Ngayon At Kailanman.
“Sobrang relax lang ang eksena. Parang may exhibit si Rebecca (Iza) tapos in-invite niya ako,” dagdag pa niya.
Nagbigay ng reaction si Joshua sa sexy dress ni Julia Barretto sa ABS-CBN Ball.
“Sobrang sexy niya. Hindi ako agree pero wala tayong magagawa. Actually, parehas, eh. Gusto ko na mas taklob siya kasi conservative ako. Pero siyempre gusto ko rin na ganon siya kasi gusto ko makita ng lahat kung gaano siya kaganda, kung gaano ka sexy, ma-appreciate nila ‘yung pagda-diet niya,” he said.

Read more...