Maymay ibang level na, ka-join sa fashion show ni Rajo Laurel

IBANG level na talaga si Maymay Entrata! Imagine, mismong si Rajo Laurel na ang nag-invite sa kanya para rumampa sa kanyang fashion show sa November. Ayon sa sikat na designer gusto niyang makatrabaho ang dalaga dahil nakitaan niya ito ng malaking potensyal bilang ramp model.
Tweet ni Rajo, “My dream is for @maymayentrata07 to walk on show. Nov 23 is the date. I am creating a piece [e]specially [for] her.”
Siyempre, mag-iinarte pa ba si Maymay? Agad niyang tinanggap ang imbitasyon ng designer pero inaming inatake rin siya ng nerbyos, “Sikat na designer po ‘yun eh parang nakakapawis ba…Kahit hindi niya ako tanungin, o-oo ako doon, si Sir Rajo ‘yun eh.”

Read more...