Bossing: Mas nag-level up na si Maine bilang aktres

VIC SOTTO AT MAINE MENDOZA

Bilib na bilib si Vic Sotto sa timing ng Phenomenal Star na si Maine Mendoza pagdating sa comedy.

Siguradong napatawa na naman ng dalawa ang manonood sa pagsisimula ng Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl kagabi.

Sa interview ng GMA kay Bossing, sinabi nitong nag-level up na ang talent ni Meng sa pagko-comedy na gumaganap uling anak niya sa Daddy’s Gurl.

“I’ve worked with her before sa Eat Bulaga. Of course, her first film which was ‘My Bebe Love,’ nagkatrabaho na kami. Pero through time nakita ko ‘yung development niya, ‘yung pag-level-up niya as an actress.

“Mapadrama or mapa-comedy more so sa comedy. She has a great timing ‘yung team up namin, ‘yung team up niya with the rest of the cast is napakagaan ng dating,” dagdag ni Bossing.

Read more...