Hamon ni Mega sa Ombudsman: Solusyunan ang mga kasong corruption sa Pasay City

SHARON CUNETA

IDINAAN ni Sharon Cuneta sa kanyang Instagram ang panawagan sa kasalukuyang Ombudsman na bigyan ng kaukulang atensyon ang mga kasong korupsyon na isinampa laban sa ilang opisyal ng Pasay City na wala pang desisyon hanggang ngayon.

Sinamahan ni Shawie ang kanyang kapatid na Kuya Chet sa Comelec nitong nakaraang araw nang mag-file ito ng certificate of candidacy para sa posisyon na Ma-yor ng syudad.

Humihingi ng suporta at dasal ang Megastar sa kandidatura ng kanyang kuya dahil aniya, “We don’t have THAT kind of money because we’ve been working simple, honest jobs. Let Pasay’s money earned from the likes of MOA and the casinos, etc. go to the people of the city of Pasay, where it belongs.

“We need your help to be able to do this. Neither of us has any higher political ambitions. Kuya wants to do what he can to help, that’s is.

“We also hope that the Ombudsman please pay attention to the cases of corruption filed against some Pasay officials ages ago. Why so many delays? Hopefully not because of pay offs.

“The new Ombudsman, we are counting on you po. To run while there are cases of corruption filed against you even before Chet decided to run for office is just way out of line.

“Kung ako, lilinisin ko muna ang pangalan ko bago ako humarap sa tao at humingi ng boto uli. Nakakahiya naman,” litanya ni Mega.

Humamig naman ng suporta mula sa netizens ang panawagang ito ni Sharon, kabilang na riyan ang kaibigang si Ogie Alcasid.

Sa totoo lang, ilang dekada ring namayagpag bilang mayor ng Pasaya ang ama nina Shawie at Chet na si Mayor Pablo Cuneta bago ito namatay.

Read more...