Sa apat na bahaging tweet, sinabi ng pamunuan ng LRT-1 na epektibo ang crowd control scheme mula alas-7 ng umaga hanggang alas-10 ng umaga at alas-4:30 ng hapon hanggang alas-8:30 ng gabi kung saan dagsa ang pasahero.
“Magsasagawa ang LRT 1 ng crowd control para maiwasan ang siksikan sa pagsakay ng tren at mapanatili ang kaayusan at seguridad ng mga pasahero,” sabi ng LRT-1 sa tweet nito.
“Mga dapat asahan habang ipinatutupad ang “Crowd Control”: Pansamantalang patitigilin ang mga pasahero sa mga sumusunod na bahagi ng LRT-1 Stations:
a. hagdan
b. AFCS gates or TVMS
c. platform,” ayon pa sa LRT-1.
Idinagdag ng LRT-1 na magpapatupad ng ‘limit’ o hangganan sa bilang ng mga pasahero sa bawat platform ng istasyon ng tren maliban sa priority passengers (Senior Citizen, PWD, buntis at may kasamang bata) upang matiyak ang maayos na pagsakay ng lahat ng mga pasahero.
“Inaasahan namin ang inyong kooperasyon at pang-unawa para sa maayos na pagpapatupad ng “Crowd Control”. Maraming salamat po. Ingat po sa biyahe!” dagdag ng LRT.